{[['']]}
AGENT 143 (A STORY) CHAPTER 20
Beep. Beep.
Ayan na. Sumagot na.
Hey. Congrats! Where's the celebration?
Patay. No turning back. Di ko naman pwedeng sabihing di para sa kanya yung message. Wala naman ako kasing nilagay na SHAR para masabi kong hindi kanya yun. Hay.
Inom tayo. Treat ko.
Message sent.
Beep. Beep.
Sure. Let's do it in my pad. Alrighty?
Oo nga pala! May pad na nga pala siyang sarili.
Ok. I'll invite Sharlene, too.
Wala yata siyang ginagawa. Ang bilis sumagot eh.
Not cool. I promised you you'll be the first to see my pad.
Daniel Marc, are you sure about this? Tanong ko sa sarili ko. What if? Hindi. Kaya ko to. Warrior ako eh. Saka magkaibigan naman kami.
Ok. See you later.
Beep. Beep.
Sure thing.
------------------------------------------------------------------
Umuwi muna ako. Maaga pa kasi. Sinabi ko na rin kina Nanay yung magandang balita. Tuwang-tuwa sila para sakin. Para sa kanila naman kaya ko ginagawa ito. Gusto ko maging maginhawa ang buhay namin kahit iniwan kami ni Tatay. Sabi ko na magiging maayos na ang lahat magmula ngayon.
Nagpaalam ako kay Nanay na may lakad pa ako ngayon. Sabi ko baka gabihin ako. Sakaling ganun na nga, wag na niya akong antayin.
Tinawagan ko si Sharlene. Sinabi ko sa kanya na malapit na matupad yung mga pangarap ko. Tuwang-tuwa siya syempre sakin. "I'm so proud of you, Danny boy!" Yan ang sabi niya. Nakakatuwa itong best friend ko. Kinamusta ko nga pala si Sean. Sabi niya, hindi naman daw sila nagbalikan. Gusto daw niya muna patunayan na nagbago na siya. Aba, mukhang di ko na yata kelangan bantayan si Sharlene. "Syempre no! Ayaw ko magmukhang talong ulit!" Natawa kami pareho. Sabi niya pahihirapan daw niya muna yung kumag. "Mahal mo pa ba?" tanong ko. Mabilis ang sagot niya. "Tignan natin." Ang gulo niya talaga sa totoo lang.
Naligo muna ako at nagpalit ng damit. Ano kayang magandang isuot? Nahirapan ako mamili.
Nung tapos na ko magbihis, tumingin ako sa salamin. Mukhang ayos naman na ang itsura ko. Di na nakakahiya.
Nagpabango ako.
Paglabas ko ng kwarto, nagpaalam na ako kay Nanay.
"Mag-ingat ka ha," bilin niya.
"Opo."
Binasa ko ulit yung tinext ni Matteo na address ng condo niya. Malapit lang naman pala. Nag-taxi na ko.
Bumaba ako sa tapat ng convenience store di kalayuan sa condo niya. Bumili muna ako ng maiinom. Dalawang six-pack na beer ang binili ko.
Pumasok na ko sa condominium.
Habang nagiintay para sa elevator, parang umakyat sa lalamunan ko yung puso ko.
Bakit ako biglang kinabahan?
Sobrang kabog ng dibdib ko.
Hanggang bumukas na yung elevator. Pumasok ako at pinindot yung button number 9.
Parang ang bilis umakyat ng elevator. Express elevator ba to? Di ko namalayan na nasa 9th floor na ko.
Hinanap ko yung 913. Yun daw ang unit niya.
Ayun. Nakita ko na.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinto.
Kinakabahan parin ako.
Huminga ako ng malalim.
Kaya mo yan, Dan.
Tinaas ko na yung kamay ko para kumatok.
Pero...
Biglang bumukas yung pinto.
Si Matteo bumulaga sakin...
Naka-shorts lang.
Mag-post ng isang Komento